Sunday, February 27, 2011

Yosi Break.

Dear Pa,

hindi pa ko nakakasulat
naiiyak na ko.
miss na miss na kita.
oo, siya, corny na!
kakakain ko lang ng almusal,
kahapon buong maghapon akong hindi nakakain.
1 o 2 slice ng tinapay siguro.
Grabe.
Pagod ko.
Pag uwi ko, pucha, tumba ko sa kama.
Kakaloka.
Hayyy, sobrang miss na kita.
everyday, pag tumitingin ako sa langit,
alam mo yan,
sinasabi ko sa'yo, miss na kita
minsan pa nga pagod na ko, di ba?
birthday ko na.
every year
pag pupunta ko sa'yo ng february,
sasabihin mo, birthday mo na.
tapos tatanungin mo ko, anu plano ko.
tapos sasabihin ko, gusto ko sa hongkong.
tapos wala, tatawa ka lang.
sasabihin mo, akin na lang yung pera.
tanda ko na pa no?
grabe...
I miss watching the news with you.
I miss betting for your lottery ticket.
I miss smoking with you,
 habang nagkukuyakoy tayo ng paa.
I'm sure diyan sa heaven,
pag may nakakasalubong ka,
yun pa rin sinasabi mo,
birthday na ni Randy. :)
O sige na Pa,
pinaiiyak mo ko eh, bad trip.
yosi na lang tayo,
tapos sindi kita ng incenso, ok?
Ingat jan,
ako ok lang ako, bata pa ko
ikaw! nako!
Yosi muna ko Pa.
:)

No comments:

Post a Comment